Writing Upgrades All Your Skills - Taglish

January 26, 2021 • written by

Kung marunong ka talaga mag-sulat, mapapansin mo nagagaling ka din sa ibang professional skills mo.

Napansin ko ito matapos ng ilang taon na pagsusulat araw araw.

Lahat halos ng skill ko sa trabaho, na-enhance.

Gumaling ako mag-benta.

Tumaas ang score ko sa Customer Service.

Naging solid ang Technical Support skills ko.

Naging mas-maayos ang pag-manage ko ng tao.

Naging mas-masinop ako sa pag-aalaga ng pera at oras.

Gumaling din ako sa pag-aaral ng bagong skill.

Nagamit ko ang pag-susulat sa pag-luluto.

Nakakuha ako ng mentor na professional athlete.

Nakaya ko mag buhat ng 365 lbs.

Nakayanan ko mag-bike ng isang daang kilometro.

Natuto ako ng bagong martial arts.

Mas na-absorb ko ang mga bagong libro.

Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan at mga mentor.

Ang pinaka-importante ay nahasa ng maigi ang writing skills ko.

Noon 2009, bumili ako ng website para mapost ko ang mga naisulat ko sa internet.

Dahil may website ako, akala ng mga nag-iinterview sakin, tech genius ako.

Wala akong kilalang applikante na may sariling website.

15 years ng pag-tatrabaho, zero.

Sa totoo lang, mga taong nasa mataas na position lang ang mga may sariling website.

Kaya akala ng marami, expert ako.

Noong 2010, nakakuha ako ng trabaho na 40k a month ang sahod.

Dahil sa trabaho na ito, napag-ipunan ko ang unang mini-retirement ko.

Noong 2013, naubusan ako ng pera at nag-apply sa call center.

Natanggap ako sa West Contact Services.

Itinuloy ko ang pag-susulat ko.

Nag-sulat ako sa bus papunta ng trabaho.

Lagi akong may dalang maliit na notebook at panulat.

Nag-susulat din ako tuwing break at tuwing avail (walang tumatawag na customer).

Nag-susulat din ako sa shuttle pauwi.

Minsan nagsusulat din ako habang nag-lalakad.

Pag-uwi ko sa bahay, nag-eencode at nag-uupload ako ng mga sinulat ko sa website ko.

Noong 2016, nakakuha ako ng trabaho bilang isang writer.

Nakakuha ako ng part-time client na binayaran ako para mag-kwento ng mga experience ko sa gym.

Pagkatapos ko matangap ang unang sahod ko, nag-desisyon ako umalis sa trabaho at mag-work from home ng full-time.

Noong 2017, natanggal ako sa trabaho bilang virtual assistant.

Naisip ng boss ko na gawin nalang akong project manager dahil gusto niya na ako nalang ang gumawa ng trabaho niya.

Hindi pala ako natanggal.

Na-promote pala ako.

Hindi lang sinabi ng boss ko dahil ayaw niya mag-dagdag ng bayad sakin.

Nalaman ko na project manager na ko dun sa sumunod na nag-interview sakin.

Noong 2018, nag-sulat ako ng magandang job application letter at summary ng mga naging trabaho ko.

Pinadala ko ito sa mahigit 300 na job openings.

May client na nag-bigay ng $4,000 para mag-check ako ng mga trabaho ng tao nila part-time.

May nag-offer ng trabaho na taga-sulat ng instructions para sa mga graphic designer.

Ang job offer ay 88k/month.

Madami akong naging opportunity dahil binigyan ko ng oras ang pag-susulat.

Kwento ko nalang yung mga detalye sa susunod na lesson.

Salamat sa pakikinig sa kwento ko.

Pinag-darasal ko na maging successful ka din.

Godbless!

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱352 a month.

JOIN LIVE GROUP SESSIONS

SEARCH LESSONS: