Unemployment Weakens Your Career Upgrade - Taglish Explanation

January 20, 2021 • written by

Huwag mo itapon ang opportunity mo.

In case hindi mo pa alam…

Hindi mo kailangan mag-resign sa trabaho mo para mag-hanap ng bagong trabaho.

Marami akong kilala na mag-babakasyon ng ilang linggo o buwan pagkatapos mag-resign tapos mag-aapply ulit.

Napakahirap mag-hanap ng trabaho kung wala kang trabaho.

Magiging negative ka mag-isip kung unti-unti nang nauubos ang ipon mo.

Mas malala kung humihingi ka ng pera sa mga magulang mo o kapatid mo.

Hindi ko na siguro kailangan i-explain kung gano kabigat sa pakiramdam kung mangungutang ka.

Hindi ito magandang strategy.

Napakahirap mag-hanap ng trabaho kung wala kang trabaho.

Napaka-dali mag-hanap ng trabaho kung meron kang trabaho.

May additional effort lang na required dahil kailangan mo ng disciplina.

Kung weekday ang rest day mo, kailangan mo lang mag-invest ng oras.

Possible na magpa-laundry ka o magpatulong sa gawaing bahay para maka-alis ka at makapunta sa interview.

Kung weekend ang rest day mo, gagamitin mo ang vacation leave mo para mag-apply.

Ganun talaga.

Hindi mo kailangan mag-resign o makipag-sapalaran para makakuha ng magandang trabaho.

Hindi po full time ang pag-hahanap ng trabaho.

Dahil karamihan sa inyo napakahina pagdating sa time management.

90% ng nakakausap ko na unemployed, isang company lang ang kayang puntahan sa isang linggo.

Yung iba isang company lang ang kayang puntahan sa isang buwan.

Kung nanay mo kaya mo lokohin, ako hindi mo ko maloloko.

Yung iba totoong sinungaling lang at gusto maging palamunin sa bahay.

Yung iba, napaka-bobo lang talaga mag-manage ng oras.

Mag-fafacebook buong araw.

Tapos five minutes a day, mag-titingin ng job posting o manonood ng isang video tungkol sa pag-aapply.

15 hours a day, mag-mamarathon na ng laro, TV series, o movie.

Aabutin ng ilang buwan na walang trabaho at nagiging pabigat sa pamilya niya.

Tapos kung sagutin ang mga tao sa bahay kala mo siya ang bumubuhay sa buong pamilya.

Walang lokohan please.

Mag-trabaho ka.

Habang may trabaho ka, invest mo ang oras mo sa pag-hahanap ng mas-magandang trabaho.

Wala ka rin namang pera pang-invest so huwag ka din sasama sa mga nag-ooffer ng investment.

Natanggal pala yung filter ko.

Nasabi ko tuloy yung totoo.

Share mo din itong lesson sa mga kakilala mo na palamunin sa bahay.

Tag mo yung kilala mong naghahari-harian sa bahay.

Kung hindi ka naman kagaya ng sinasabi ko, ang pinakamalaking problema ng paghahanap ng trabaho habang walang trabaho ay:

Napakahina ng negotiating power mo.

Ano yun?

Explain ko muna.

Kung wala kang trabaho…

Mas mataas ang chance na babaratin ka sa sahod ng kausap mo dahil wala kang income.

Ang income mo ay ZERO.

So pwede sila mag offer ng minimum wage o minimum call center offer.

+15,000 ang income mo from zero.

Malaki na yun.

Zero kasi ang pinang-galingan.

Malaki talaga yun.

Kung may trabaho ka, kahit minimum wage, mas malaki ang mahihingi mo.

Kung may income ka na 15,000 a month, pwede ka humingi ng mas mataas.

Sa career mo at work history pataas at pataas din ang sahod mo.

Mas malabo na babaratin ka ng kausap mo.

At hindi ka malalagay sa sitwasyon na mababarat ka dahil pwede mong sabihin:

Sorry the offer isn’t high enough to motivate me to leave my current work.

Para ka tuloy boss pag-alis mo sa interview.

Ikaw na ang hahabulin.

Ikaw na talaga.

Hindi mo kailangan mag-makaawa na parang bida ng teleserye.

Ang main point lang nito ay:

Huwag kang magpapabakante na walang trabaho.

Mahirap sagutin ang interview question na:

What were you doing during times that you’re not employed?

How were you investing your time?

Mahihiya ka talaga sa interview o magsisinungaling kung itatanong sayo ang mga tanong na to.

Babagsak ang confidence mo.

Mauutal ka at mahihirapan sumagot.

Yung facial expression mo at body language, mag-mumukhang nag-iimbento at nagsi-sinungaling.

Unless proud ka na palamunin ka.

O kaya wala kang pride o hindi ka tinuruan ng magulang mo.

Baka balak mo mag-makaawa sa interview.

Siguro gusto mo subukan ang acting skills mo.

Baka pwede kang bida sa teleserye.

Lahat ng strategy na yun ay palpak.

Mas madali mag-hanap ng trabaho kung meron kang trabaho.

Salamat sa pag-babasa.

Meron ulit akong bagong lesson bukas.

Sawa ka na ba ma-mental block sa interview?

Nagsulat ako ng libro para masolusyonan ang problema mo.

Download mo ito ng libre.

CLICK HERE TO DOWNLOAD

IMAGE TEXT.

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱697 a week.

Discounts offered to long-term students.

Save money by reserving multiple weeks!

JOIN LIVE SESSIONS

SEARCH LESSONS: