Are you a team player? Taglish

January 28, 2021 • written by

Team Player Ka Ba?

Ikaw ba yung tipo ng tao na hinaharap lahat ng problema mag-isa?

Baka feeling mo superior ka.

Baka feeling mo matalino ka.

Baka tingin mo gwapo o maganda ka.

Baka meron kang natatago na “secret advantage.”

Kung mas bata ka sa 35…

Malamang mali ka.

Kahit gano ka kagaling…

Parating may IBANG TAO na MAS MAGALING KESA SAIYO.

Totoo yun.

Noong bata ako, nakapag-training ako ng martial arts.

Itinuro sakin ng instructor ko na…

Lingid sa kaalaman ko, mayroong iba na nag-hahasa ng kanyang kakayahan.

Kung hindi ako nag-sasanay.

Ang taong iyon ay nag-sasanay.

Pag dumating ang pagkakataon na mag-tunggali kami.

Siya ang magwawagi.

At ako ang talunanan.

Kung tunay na laban ang magaganap…

Katapusan ko na iyon.

Kung nag-papractice at nag-sasanay ka….

Good job!

Kung ginagawa mo lahat ng mag-isa…

May mas malaki kang problema.

Magbibigay ako ng halimbawa para maintindihan mo.

Parati nating naririnig ang mga salitang…

Para sa ekonomiya.

Napaka-taas ng level ng competition sa business at financial market.

Pano ka ba mananalo sa hindi patas na job market?

Gaya nga ng sabi ko, napaka-tindi ng labanan sa market.

Para matalo ng mga mahihina ang malalakas, nagsasanib sila ng pwersa.

Dahil marami sila, napapagtulungan nila ang mga competitor na lumalaban mag-isa.

Kahit mahina sila o hindi masyadong matalino, natatalo ang mga malakas at matalino dahil sa TEAM WORK.

Example ng mga team ay corporation, business, at company.

Sa business at investments, natalo na lahat ng matalino at magaling na solo players.

Sa madaling salita, ang kompanya ay mas malakas sa solo professional o businessowner.

Ang group of companies ay mas malakas kesa sa isang kompanya.

Kahit gano ka katalino, kung sampung tao ang nagiisip ng paraan para pabagsakin ka, wala kang laban.

Ang mga nananalo lang ng competition ay ang mga taong may sariling team.

Kung mag-isa, napakahina ng isang daliri.

Ngunit kung magsasanib, makakabuo ka ng kamao.

Makakagamit ka rin ng mga makapangyarihang kagamitan.

Ang TEAMWORK ay hindi pandaraya.

Hindi limited ang teamwork sa business at investment.

Napansin ko na din to sa lahat ng klaseng trabaho.

Ang top sa showbiz ay may manager, producer, coach, make-up artist, hair stylist, at kung ano ano pa.

Ang top musicians ay may manager at marketing officer para mag-promote ng banda o album.

Si Manny Pacquiao ay may coach at napakaraming training partner.

Ang mga tao sa taas ay hindi nakarating sa taas ng mag-isa.

Ang mga taong naging talunan at nawalan ng career ay ang mga taong hindi nakakatanggap ng tulong.

Hindi mo pwede ipag-mayabang na malakas ka kung mag-isa ka.

Dahil walang nag-susucceed ng mag-isa.

Lahat ng importante ay may 99% na failure rate.

99% ng business nag-sasara.

99% ng professional nauubusan ng pera pag tumanda sila.

99% ng taong natatanggap sa call center ay natatanggal sa ilalim ng dalawang taon.

99% ng job application ay hindi successful.

Kung may team na tutulong sayo, makarating ka sa mga lugar na hindi mo kayang abutin mag-isa.

Lahat ng magandang kuwento ay kuwento ng mga taong humarap sa malaking problema ng magkakasama.

Ang mga malalaking problema ay pinag-tutulungan.

Ang mga taong hindi kayang maki-halubilo sa team ay kadalasan natatanggal sa trabaho.

Turo sakin ng coach ko…

Kung gusto mo maging pinaka-mabilis, lumakad ka ng mag-isa.

Kung gusto mong malayo ang marating mo, mag-sama ka ng team.

Hindi ka 100% sa lahat ng oras.

Mawawalan ka ng lakas ng loob.

Matatalo ka rin.

Malulungkot ka.

Magkakamali ka.

Pero kung ikaw lang, mas mataas ang posibilidad na sumuko ka.

Napakarami ang sumusuko at tumatanggap ng kung ano nalang na trabaho.

Napakaraming Pilipino ang kumukita ng mas-mababa pa sa minimum wage.

Filipino Pride Fail

99% ng mga pinoy na stuck sa mga trabaho na mababang sahod ay solo player at hindi team player.

Lumalaban sila mag-isa.

Natatalo sila ng mga malalakas na team.

Kung nag-hahanap ka ng trabaho, ang unang sinusubukan sayo ay ang kakayahan mo makipag-tulungan sa team.

Madaming Pilipino ay umaasa sa lotto para magbago ang buhay nila.

Pareho nating alam na hindi matalinong plano iyon.

Isipin mo ito.

Kung hindi ka matalino, mas mataas ang pagkakataon mo manalo kung may matalino na tumutulong sayo.

Kung iisipin mo ng mabuti…

99% ng lahat ng mali mo ay may solusyon.

Kung may matalinong tao na may experience na tutulong saiyo, alam mo gagawin mo tuwing malaki ang problema.

Minsan kailangan mo lang ng paalala para hindi ka mataranta.

Kung meron kang-guide, maiiwasan mo ang napaka-pait na pagkatalo.

Pano ka pipili ng mga team mate na hindi ka pagsasamantalahan?

Kung ang offer saiyo ay 100% free at no-strings attached, linoloko ka lang ng kausap mo.

Maraming libreng training ay offer ng recruitment companies.

Maraming scam sa ganitong uri ng training dahil ang pangunahing layunin ng recruitment company ay mag-recruit at hindi mag-turo ng skills.

Kumikita ang recruitment company tuwing may mare-recruit sila.

Nagiimbita ang recrutment company gamit ang “Free Training” para mag-hanap ng tao na pwedeng i-endorse sa client company nila.

Lahat ng magaling mag-English, ipapasa sa company.

Lahat ng mahina mag-English, uupo sa one week training tapos paalam na.

Bahala ka na sa buhay mo kung mahina ka.

Napakarami ko nang nakausap na nag-attend sa ganitong klase ng training.

Wala parin silang trabaho.

Palpak parin sila mag-salita.

Kung pumasok ka sa kuwarto at hindi mo alam kung sino ang linoloko, ikaw yung linoloko.

Anong mangyayari kung sakin ka makikipag-tulungan?

Daan-daang tao ang nagpapasalamat sakin kada linggo.

Kung makikipag-tulungan ka sakin…

Gusto ko pareho tayong makikinabang sa relasyon natin.

May maitutulong ako saiyo.

May mapapala din ako saiyo.

Kung may makukuha ka….

May makukuha din dapat ako.

Gusto ko na magbigay ka ng voluntary contribution sa team ko.

Ang pinaka-importanteng salita sa sinabi ko ay…

Voluntary.

Walang pilitan.

Gusto ko bukal sa puso mo ang gagawin natin.

Ang mga gusto ko lang tulungan ay ang mga taong nakapag-pasya na magtrabaho para gumanda ang buhay nila.

May silbi lang ang team kung mag-tutulungan tayo.

Kung ako lang ang makikinabang…

Hindi maganda iyon.

Kasi hindi mo ako tutulungan ng pang-matagalan.

Pareho din ang kabaligtaran.

Kung ikaw lang ang makikinabang.

Hindi ako magiging masaya na tulungan ka sa hinaharap.

Gusto ko ng kaugnayan na tutulungan kita at tutulungan mo rin ako.

Gusto ko manalo tayo pareho.

Napahaba ang lesson ko ngayon.

Napaka-importante kasi nito kaya marami akong binigay na example.

Mahirap maging kotse na isa lang ang gulong.

Mahirap mag-lakad ng isa lang ang paa.

Bukas nalang ulit.

May importanteng announcement ako.

Are you a team player? Original

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱697 a week.

Discounts offered to long-term students.

Save money by reserving multiple weeks!

JOIN LIVE SESSIONS

SEARCH LESSONS: