Interview Mindset - Taglish

January 29, 2021 • written by

Basahin mo ito ng malakas araw araw.

Nag-hahanap ako ng trabaho.

Hindi ako nag-mamakaawa para magka-trabaho.

Nag-hahanap ako ng magandang trabaho.

Interesado ako sa job opening niyo.

Gusto ko mag-trabaho dito.

Malakas ang loob ko dahil may halaga ang mga kakayahan ko.

Nasasabik ako sa pagkakataong ito.

Ngunit kung hindi tugma ang kakayanan ko sa job opening niyo…

Hindi ako mag-tatanim ng sama ng loob.

Simulan nalang natin ang interview.

Yun lang naman ang paraan para malaman natin kung pasado ako.

Interesado din ako subukan ang kakayahan ko.

Gusto kong malaman kung anong kailangan kong baguhin sa sarili ko.

Huwag ka na mahiya at suriin mo ang aking kakayanan.

Ibigay mo sakin ang totoong opinyon mo.

Gagamitin ko ang sasabihin mo sakin para tangalin ang mga sagabal sa pag-unlad ko.

Nasasabik ako malaman kung ano pa ang kulang sakin.

Magtatanong ako para makapag-kolekta ng detalye.

Hindi ako titigil magtanong kung malabo ang sagot mo sakin.

Pagkatapos, gagamitin ko kung anong meron ako para maayos ang problema ko.

Huwag ka mag-alala.

Hindi ako magpapatalo.

Babalik ako bilang tunay na propesyonal.

May tiwala ako sa proseso.

Dahil ito ang eksaktong pinagdaan ng libo-libong matagumpay na propesyonal.

May tiwala ako sa proseso.

Isang daang porsyento.

Ang batas ng pagtatanim at pag-aani.

Aanihin ko…

Ang itinanim ko..

Kung pag-iisipan mong mabuti..

Kung mag-tatanim ako…

Tiyak na may aanihin ako.

Didiretsohin kita.

Kung gusto kita…

At gusto mo ko…

Magtulungan tayo.

Kung hindi naman…

Hindi ako tututol sa napag-pasyahan mo.

Masaya na rin ako malaman kung anong tingin mo sa kakayahan ko.

Nandito na rin lang naman tayo…

Mag-enjoy tayo sa magiging kwentuhan natin.

Ganito ang iniisip ko tuwing nag-hahanap ako ng trabaho.

Nababawasan ang pressure tuwing binabasa ko ito.

Sinulat ko ang English version noong 2019.

Sinulat ko kanina ang Taglish version.

Sana makatulong ito saiyo.

Manually translated from: Interview Mindset

Link to English Version.

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱697 a week.

Discounts offered to long-term students.

Save money by reserving multiple weeks!

JOIN LIVE SESSIONS

SEARCH LESSONS: