Walang Antayan sa Final Interview

February 25, 2018 • written by

Just in case nag aantay ka pa rin ng final interview mo.

Konti lang companies na nagpapaantay ng final interview.

Most big call center companies ay one day process.

So kung na wrong grammar ka sa interview or mali pag pronounce mo sa word or forever bago ka nag isip ng sagot baka dun ka nag fail.

Try mo isulat lahat ng sagot mo sa mga usual na tanong tapos check mo na sa papel kung alin yung wrong gramar.

Obvious naman kung babasahin mo ng malakas.

Try mo yun.

Yun din pala yung pag check ng pronounciation.

Fifteen years ka na nag-eENglish sa school so pag may mali makukuha mo din kagad yun.

Dapat willing ka lang mag-check ng sarili mo kung may mali para ma-correct.

Ang tawag po dun self-evaluation at learning process.

Pag hindi parin magtanong ka sa marunong.

Minsan kasi ang problema natin pinepersonal natin yung rejection.

Mali lang diskarte mo feeling mo hindi na para sayo yung trabaho.

Mas madali satin masaktan kesa sa matuto sa pagkakamali.

Hindi po against ang call center na mahire ka.

Baka mejo against ka lang na magpalit ng sagot at mag try ulit.

Tsaka wag ka maooffend.

Ikaw po yung nag punta ng hindi prepared.

Ikaw yung nag-pa interview ng hindi ready.

Kung feeling mo bahala na, ibig sabihin hindi ka nag handa.

Ikaw yung sumagot ng wrong grammar.

Ikaw yung sumagot ng mali yung pronunciation.

Pronounciation po hindi spelling.

Mas madali ang pronounciation sa spelling.

Tapos kung mahirap talaga i-pronounce yung word ayos lang naman.

Matatawa ka ng konti at matatawa sila ng konti, tapos i-cocorrect ka nila.

Pero kung napaka-simple na salita dun ka pa nagmali ng pronounce halata talaga na hindi ka nag prepare.

Nagsasayang ka lang ng oras ng empleyado ng kompanya.

Wag ka ma-offend.

Sila dapat ma-offend.

Dami pong applicant.

Yung trabaho binibigay po sa handa.

Imagine mo kung si Manny Pacquiao lumaban sa boxing na walang training, anong ending?

Syempre talo.

Ganun din sa pag-kuha ng trabaho.

Yung handa, panalo.

Yung hindi handa talo.

Kaya mahal ang tuition sa magagandang school, kasi mas mataas yung standard nila sa pag prepare.

Pero kung may disciplina ka hindi issue yun.

Kung may kusa ka na mag-self study, hindi issue yung.

Basic lang.

Magsulat at mag basa at mag check ng sagot tapos mag correct ka tapos try mo ulit.

Yun lang naman.

Good luck sa pag aapply.

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱352 a month.

JOIN LIVE GROUP SESSIONS

SEARCH LESSONS: