Noong grade school ako, may mga activities tungkol sa trabaho ng magulang mo.
Siguro ang intensyon ng school ay para makapag-bigay ng updated examples kung anong pinag-kakakitaan ng mga magulang.
Naiisip ko ang pinakamalaking benefit nito ay magkaka-idea ang mga bata kung ano ang options kung anong pwede nilang maging trabaho in the future.
Tuwing tatanongin ko ang nanay ko, ganito ang nangyayari.
Papakita ko yung notebook na may nakasulat.
What is your mother’s occupation?
Lagay mo EMPLOYEE.
Dahil bata pa ako, sumunod lang ako.
Pag-dating ko ng school, yung mga ka-klase ko iba ang sagot ng magulang nila.
May konting Q and A na nangyari.
Yung may tindahan, nag-explain kung anong binebenta at ginagawa sa tindahan nila.
May kaklase ako na nagbebenta ng mga container na ginagamit sa mga medical supplies at pagkain.
May kaklase ako na anak ng doktor.
May kaklase ako na basketball player ang tatay at may maliit sila na restaurant.
May kaklase ako na truck driver sa Saudi ang tatay.
May kaklase ako na secretary ang nanay.
Nung sinabi ko na Employee ang nanay ko, hindi ako nakasali sa Q and A.
Naingit ako sa mga ka-klase ko kasi proud sila sa tatay at nanay nila habang nag-kkwento sila tunkol sa trabaho nila.
Every year may ganitong klaseng event samin.
Kung tama ang pagkaka-alala ko, career day ang tawag dito.
Pagkatapos kasi, ang tanong ay kung ano ang gusto mo maging pag-laki mo.
Nalaman ko lang kung ano ang totoong trabaho ng nanay ko nung college na ko.
Nagtatrabaho ang nanay ko sa legal department ng isang insurance company na nag-handle ng mga nagta-trabaho sa barko.
Lahat kasi ng nagta-trabaho sa barko, may insurance.
Pag may masamang nangyari sa kanila sa trabaho, yung insurance company ang magbibigay ng pera sa pamilya nila.
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit kusang tinatangap ng mga seaman ang buwis-buhay na mga trabaho at gawain.
Kung magkakasakit o mapipinsala ang katawan ng trabahador sa barko, may matatangap silang pera para may puhunan sila at magkaroon ng ibang mapagkaka-kitaan.
Kung mamamatay sila, may matatangap na pera ang pamilya nila para makapagsimula sila muli.
Kadalasan malaking pera ang pinag-uusapan dito.
Trabaho ng nanay ko na mag-coordinate sa medical at legal department para ma-process ang matatangap na pera ng pamilya ng naiwan.
Ang galing noh?
Yung trabaho niya ay tumutulong sa mga taong na-aksidente o namatay sa trabaho.
Sila yung tumutulong sa mga pamilya na naulila.
Para silang savior ng mga pamilyang biglaaan nalang nawalan ng source ng income.
Nakakatuwa at gusto mo ipag-malaki ang ginagawa nila.
Nag-tatrabaho na ako nung nalaman ko to.
Tuwing tinatanong ko ang nanay ko:
Anong trabaho mo?
Employee.
Anong klaseng trabaho?
Nag-ta-trabaho ako sa office.
Anong ginagawa niyo dun?
Office worker.
Ano yun?
Office work. Nag-pprocess ng documents.
Anong documents?
Basta.
Anong trabaho ng tatay ko?
Businessman.
Anong ginagawa ng businessman?
May business siya na hina-handle.
Anong business?
May tindahan siya.
Ah. Saan yung tindahan?
Sa malayo.
Anong binebenta dun?
Mga paninda o product.
Magkano sweldo mo?
Sino ba nag-tatanong? Confidential yung mga yun.
Dahil bata pa ako, okay na sakin ang sagot na yun.
Kahit anong kulit ko, hindi ko parin alam ang trabaho ng mga magulang ko.
Pag-napapag-usapan sa school activity, o kung anong conversation.
Nakikita ko sa mga kaklase ko na proud sila sa magulang nila.
Pag-dating sakin, parang confused lang ako sa kung ano ang iisipin ko.
Noong tumanda na ko, narealize ko na hindi talaga siya specific mag-salita sa personal na buhay.
Pag-katapos ko mag-ayos ng kwarto, sasabihin niya sakin:
Mag-ligpit ka pa.
Pag magk-kwento ako sa kanya, sasabihan niya ako:
Umayos ka nga.
Minsan sasabihin niya…
Ayusin mo ang buhay mo.
Kadalasan hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ko alam eksakto kung ano ang ibig niya sabihin.
Sa pagkakaintindi ko, habang tumatanda ka, kung maayos ka mag-trabaho, tumataas dapat ang sahod at position mo.
Ang pagkakaintindi ko, never naging boss ang nanay ko sa company na pinag-trabahuhan niya.
Hindi ko siya sinisisi.
Pinag-iispan ko lang kung saan siya kulang para hindi ko maulit ang pagkakamali niya.
Nakapag-trabaho ako sa maraming kompanya.
Napansin ko na ang mga manager o tao sa mataas na position ay magaling mag-explain.
Malinaw at madaling sundin ang mga instruction nila.
Nakaka-motivate o nakaka-inspire din tuwing mag-bibigay sila ng example lalo na kung mahirap o komplikado ang papagawa nila sakin.
Napaka-laking advantage ng communication skills.
Lahat ng katrabaho ko na hindi nag-level up ang communication skills, hindi umangat ang position.
Yung kaklase ko na nag-tuturo sakin ng technique sa Starcraft, Tekken at Diablo 2, assistant vice president na sa financial company.
Napaka-specific niya mag-turo sakin at kapareho siya ng mga naging boss ko.
Pag-isipan mong mabuti kung ganong karaming oras ang ilalaan mo sa pag-aaral ng communication skills.
Ang huling payo sakin ng tatay ko dahil alam niya na gusto ko maging professional ay pag-butihin ko ang skill ng pagigiging specific.
Pero sa ibang post ko na ikkwento yun.
Salamat sa pagbabasa.
Mag-sshare ulit ako ng post bukas.
Thank you for reading this far and thanks for your attention.
I am praying for your success. God bless!
If you made it this far, you should introduce yourself.
Join our weekend English coaching is on SALE for ₱697 a week.
Discounts offered to long-term students.
Save money by reserving multiple weeks!