Advantages of Speaking in English for Filipinos

January 05, 2021 • written by

Yung unang trabaho ko ay Promorizer sa mall.

Introvert ako.

Mahiyain.

Hindi ako sanay makipag-usap sa tao.

Nung sales and customer service training namin, lagi akong nahuhuli kasi magaling makipag-usap mga kasabay ko.

Nakaka-sakay sila sa mga activity kung saan pinapakanta at pinapasayaw ang mga katrabaho ko.

Gusto ng management fun and energetic yung staff.

Hindi ako ganun.

Tahimik ako madalas.

Sabi ng mga katrabaho ko hindi ako pang-sales.

May nakausap akong customer sa mall.

Matandang babae na may asawang foreigner.

Nakatira siya sa Australia.

Bumalik siya sa Pilipinas after fifteen years.

Natuwa sila sakin kasi nakakausap ko ng English yung asawa niya na Australiano.

Mahaba pila sa booth namin pero nag-antay sila matawag kasi mag-kausap lang kami at nagk-kwentuhan dun.

Kevin, kaya mo pala mang-foreigner kasi spokening dollar ka pala, sabi sakin ng katrabaho ko.

May naging customer ako na galing sa malaking school na hindi na halos sanay mag-tagalog.

Natutuwa siya.

Nahihirapan ako mag-explain.

Kahit ganun, nakita niya yung effort ko.

Pinipilit ko maipaintindi sa kanya kung anong binebenta namin.

Straight yung English kahit maraming pauses at self-correction.

Bago siya umalis, sabi niya sakin, minsan nagpapagap siya na hindi marunong mag-tagalog para hindi siya kulitin ng mga nagbebenta sa mall.

May naging customer ako na sales manager ng isa sa pinakamalaking real estate company sa Pilipinas.

Sabi niya magaling daw ako mag-English.

Malaking lamang daw yun sa trabaho niya.

Kung gusto ko daw, mag-apply nalang daw ako sa kanila.

Mahabang kwento yun kaya next time nalang.

Six months akong promodizer dun sa company na yun.

Nung tumagal, lahat ng katrabaho ko pinapasa sakin yung mga customer na foreigner.

Gusto nila ako kumausap kasi nauubos English nila.

May extrang ₱4k a month ako dahil dun.

Nung lumipat ako sa ibang trabaho, napaka-kaunti ng taong sanay makipag-usap sa English.

Isang beses, natangal pa ko sa trabaho dahil naingit sakin yung supervisor ko na ayaw kausapin ng English-speaking na client.

Ninanakaw ko daw yung benta niya gamit ang English ko.

Mas-mahabang kwento yun kaya next time nalang.

Hindi lang sa call center advantage ang marunong mag-English.

Madadala mo ito kahit saan ka pumunta.

Madaming possible na trabaho kung marunong ka mag-English.

Malalayo ka din sa panganib kung marami kang English na naiintindihan.

Salamat sa pag-subaybay sa mga lesson ko.

Mayroon ulit akong post bukas.

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱697 a week.

Discounts offered to long-term students.

Save money by reserving multiple weeks!

JOIN LIVE SESSIONS

SEARCH LESSONS: