Galing ka ba sa mga trabaho na mababa sahod?
May mga naging student ako na nagtatrabaho sa mga business na mababa ang sahod.
Yung iba mababa yung position nila.
Examples:
Hindi madali mag-bago para mag-qualify sa trabaho sa call center.
Sa trabaho mo, hindi ka required mag-English.
Wala ka tuloy practice mula high school.
Kung 25 ka na, malamang, mahigit 10 years ka na walang practice.
Malamang, lahat ng tropa mo Filipino din magsalita.
Kung gusto mo mag-practice ng English, wala kang malapitan.
Gaya nga ng sabi ko, hindi madali.
Pero hindi natatapos dun.
Yung iba alam ko sumusubok mag-practice mag-isa.
Ang problema lang, medyo mahina yung diskarte nila.
Wala ka masyadong mapapala sa English movie dahil yung dialogue na napupulot mo ay hindi tugma sa sitwasyon mo.
Kung puro action ang pinapanood mo, ang mapupulot mong salita, pang-action star.
Kung mahilig ka sa drama at love story, puro poetry at diskarteng panlalandi mapupulot mo.
Kung mahilig ka sa science fiction, fantasy o superhero story mapupulot mo ang mga salitang
Kung mahilig ka sa mga palabas tunkol sa business, success, inspirational, o kung anong trabaho na hindi related sayo posibleng hindi related ang mga salitang mapulot mo.
https://www.youtube.com/watch?v=dCFPK1bBdPw
Ang pinakamalaking sayang ay hindi naman ginagamit sa pag-aaply at pakikihalubilo sa mga ordinaryong tao ang mga salita o sentence na napupulot mo.
Ang pinakamainam na paraan na matuto ng language ay makipagusap ka sa taong magaling makipag-usap sa language na gusto mong pag-aralan.
Kaya mo dapat ipakilala ang sarili mo at ang mga idea mo.
Sanay ka dapat magtanong at sumagot sa mga tanong.
Marunong ka dapat mag-turo o magbigay ng instructions.
Madami ka din dapat baon na kwento.
Heto ang kadalasang topic tuwing makikipag-usap ka sa tao.
Punta muna tayo sa #1.
Anong storya ng buhay mo?
Anong mga problemang napag-daanan mo?
Anong mga pangarap ang na-abot mo?
Anong mga kakahayan meron ka?
Anong mga aral ang mapupulot sayo?
Anong klaseng ugali meron ka pag nandiyan na ang problema?
Taga saan ka?
Anong kwento bakit ka diyan nakatira?
Paano ka napunta diyan?
Saan ka nag-tatrabaho?
Anong kwento paano mo narating ang narating mo?
Saan ka nag-aral?
Kwentohan mo ko tunkol sa estudyante days mo?
Kaya mo ba ako kwentohan nito sa English?
Eto na kasi ang 90% ng mga interview questions.
Kung nag-tanong ang interviewer at wala kang ma-kwento, malabong matatangap ka.
Punta naman tayo sa #2.
Anong topic ang interesting sayo?
Anong pinag-kakaabalahan mo?
Anong mga activity ang nag-papasaya sayo?
Anong pangarap mo sa buhay?
Anong gusto mong gawin sa free time mo?
Anong topic ang masayang pag-aralan?
Anong topic ang alam mo na proud ka?
May mga kwento ka ba related sa mga tanong na ito na makkwento mo ng English?
Kung hindi, malabo talaga.
99% of the time, eto ang napapag-usapan sa interview, sa pakikipag-kilala sa potential na kaibigan o date.
Alam ko kayang kaya mo makipag-usap sa Filipino.
Ang tinatanong ko ay yung English version ng mga kwento na ito.
Eto kadalasang ginagawa ng iba tuwing makikipag usap ako at tatanungin ko sila kung anong balak nila.
171,476 ang total number ng English words.
Saan ka magsisimula dito?
Ganong katagal
Ang tawag sa mga activity na ito, blind practice.
In other words:
WASTE OF TIME.
Ang harsh naman ni coach Kevin!!!
Ayoko na!!!
Kung ang tingin mo sa advice ay pan-lalait, hindi ka pwede mag-trabaho sa call center o kahit anong trabahong mataas ang stress at sahod.
Ang paraan ko ng pagtuturo, practice with a purpose.
Dun sa unang mga halimbawa, parang namumulot ka lang ng tools at ingredients na hindi mo naman alam kung saan mo gagamitin.
Kailangan lagi kang may SPECIFIC na goal para alam mo yung EXACT tools at ingredients na kailangan mo.
Gaya nga ng sabi ko, PRACTICE WITH A PURPOSE.
Ihanda mo ang kwento ng buhay mo.
99% ng English Practice mo ay dapat umiikot sa apat na activity na ito.
Tuwing mag-aassist ako ng student, dito umiikot ang mga writing exercises namin.
Nagbibigay din ako ng mga technique para ma-ayos ang grammar at pronunciation.
Pano masasabing fluent ka sa English?
Dapat kaya mo ikwento ang mga nangyayari sa buhay mo.
Dapat kaya mo mag-kwento tunkol sa mga topic na mahalaga sayo.
Kung kaya mo mag-kwento ng mga personal at professional na sitwasyon okay ka na.
Salamat sa pagbabasa nitong mahabang post.
Padalhan mo kami ng message kung may tanong ka o gusto mo sumali sa coaching sessions namin.
May bagong post ulit ako bukas.
Thank you for reading this far and thanks for your attention.
I am praying for your success. God bless!
If you made it this far, you should introduce yourself.
Join our weekend English coaching is on SALE for ₱352 a month.