Health Risks of Call Center Work in Filipino

January 09, 2021 • written by

Hindi Call Center ang dahilan kung bakit nagkaka-health issue ka.

Bago pa maging sikat ang call center work, madami nang night shift workers.

May mga taxi driver na 24 hours bumiyahe.

Yung mga nagttrabaho sa 24-hour establishments gaya ng gasoline station, convenience store, food service, security at marami pa.

Yung mga doctor, nurse, ambulance driver, at iba pang empleyado ng healthcare service shifting ang schedule.

Ang mga military, fire department, at ibat ibang services ay 24 hours.

Natatawa ako minsan dahil kinakamkam ng ibang agent at tinatawag ang sarili na bayaning puyat.

Hindi totoo ito dahil hindi lang call center agent ang nagtatrabaho sa gabi.

Totoo na may mga nag-kakasakit sa call center.

Marami dito na napansin ko ay dahil sa abuso.

Guilty din ako dito.

Nakakastress ang trabaho sa call center.

Gusto ko mag unwind.

Gusto ko mag-relax.

Sa day off ko sasama ako sa tropa ko na mag-roadtrip.

Eto ang problema.

Kung Monday to Friday ka sanay na pang-gabi ang schedule mo tapos Saturday to Sunday binago mo schedule ng tulog mo, malaking problema yan.

Hindi ako doktor.

Hindi din ako nagpapangap na doktor sa internet.

Madaming reference na kung mag-papalit ka ng schedule kailangan dahan-dahan mo itong gawin para masanay ang katawan mo.

Tuwing puyat ka, bumabagsak ang immune system mo.

Imagine mo bigla nalang mag-day off lahat ng pulis at sundalo ng katawan mo ng isang linggo.

Google mo nalang: negative effects of sleep deprivation

Mag-aaya ang tropa mo mag-inom.

Mapapa-yosi ka.

YOLO daw.

You only live once.

Oo.

You only live once.

Pero kung tanga ka, you also die soon.

Guilty ako sa lahat ng to.

Guilty din ako sa mga nakakahiyang dahilan bakit puyat ang call center agent.

Inaantay ko lumabas ang susuonod na episode ng Naruto o Game of Thrones.

May hiniram akong hard drive at pinanood ko lahat ng episode ng How I Met Your Mother at How To Get Away With Murder.

Nag-enroll ako sa online course.

Nag-install ako ng Summoners war at Mobile legends at nagpa-level up ako hangang 50.

Minsan legit ang dahilan kung bakit ka mag-pupuyat.

Umaga lang ang service sa simbahan namin.

Kasal ng best friend mo.

Family lunch o reunion.

Matagal ka nang single at may date ka ng tanghali.

Maaga ka talaga matutuluyan.

Wala naman pakialam si Kamatayan kung legit ang palusot mo.

Alagaan mo kasi ang sarili mo.

Bantayan mo ang tulog mo.

90% of the time, ang problema ay napupunta ang oras natin sa entertainment at leisure.

Sorry dahil mao-offend ka sa sasabihin ko.

Hindi ka na bata.

Ang nag-lelevel up dapat ay yung IKAW sa tunay na buhay.

Yung player mo sa game hindi makakain yun.

Naalala ko tuloy nanay ko.

Hindi daw namin makakakain yung mga bwisit na game na pinapabili ko nung bata pa ako.

Tama siya.

Pag may trabaho ka na, pwede ka naman gumawa ng activities na sasaya ka.

Itugma mo lang sa schedule mo.

Bantayan mo ang tulog mo.

Huwag mo isasakripisyo ang sarili mo para sa panandaliang aliw.

Kumain ka ng maayos.

Wag puro junk food at fast food.

Hindi maganda sa katawan ang mataas na level ng asukal at carbohydrate.

Google mo nalang: negative effect of sugar and carbohydrates

Dahil puyat ka, mas mataas ang nutritional requirement mo.

Dagdagan mo ang intake mo ng karne at gulay.

Hindi ka mabubuhay kung ang kakainin mo lang ay puro pantawid gutom.

Kumain ka ng totoong pagkain.

Iwasan ang paninigarilyo at ang mga taong naninigarilyo.

Self explanatory na ito.

Google mo nalang din.

Top 2 things to avoid heart disease:

  1. Get 8+ hours of sleep.
  2. Quit smoking.

Madaming doktor ang nagsasabi nito.

Minsan may tropa ka na malakas manigarilyo.

Yun lang.

Kailangan mo pumili.

Hangang dito nalang muna.

Wala talaga akong balak mag-discuss ng health advice.

Madami lang talaga nag-tatanong kung anong dahilan bakit maraming nagkakasakit sa call center.

Naisip ko mas-magandang isulat ko nalang.

May napulot ka ba dito o na-offend lang kita?

Kung nagttrabaho ka sa call center share mo naman experience mo.

Pano nagkakasakit ang mga kilala mo sa call center? Anong tingin mo na kasalanan nila kung bakit sila napahamak?

Thank you for reading this far and thanks for your attention.

I am praying for your success. God bless!

If you made it this far, you should introduce yourself.

POPULAR LESSONS:

MORE LESSONS:

READ MY BOOKS!

WATCH MY LESSONS.

GET LIVE COACHING!

FREE EMAIL LESSONS!

SUPPORT OUR PAGE

DONATE.

VOLUNTEER.

SUPPORT.

ANNOUNCEMENTS:

Join our weekend English coaching is on SALE for ₱697 a week.

Discounts offered to long-term students.

Save money by reserving multiple weeks!

JOIN LIVE SESSIONS

SEARCH LESSONS: