Richard ang pangalan niya.
Isa siyang top seller.
Pinakilala siya sakin ng supervisor ko.
Bagsak daw kasi ang benta ko.
Narinig ko na kausap ng boss ko si Richard.
Mabait daw ako.
Malapit na din daw ako matangal dahil wala pa kong benta.
Naawa si Richard sakin at nangakong tuturuan ako.
Inexplain niya sakin yung ibig sabihin ng mga sales term.
Naintindihan ko na ang mga sales term nung training pero hindi ko alam kung paano gamitin ang natutunan ko sa totoong buhay.
Nag-bigay siya ng payo kung kelan ako bibitaw sa panunuyo sa customer.
Tinuro din niya ang mga SIGN kung kelan mag-pupursigi sa panunuyo sa customer.
Three weeks lang kami magkasama pero naka-QUOTA ako dahil sa payo niya.
25 kami sa training batch.
Dalawa nalang kaming natira.
Sumuko na yung iba.
Lahat naman kami pareho ng training na tinangap.
Lahat kami magkakasama habang tinuturo ng instructor kung pano mag-benta.
Dalawa nalang kami.
Magaling yung isa.
Ako hindi magaling.
Nagbago lang lahat nung nakilala ko si Richard.
Minsan hindi sapat kung anong alam mo.
Minsan mas-mahalaga kung sinong kilala mo.
Tanggal na dapat ako sa trabaho noong panahon na yun.
Si Richard ang Top Seller na pinahiram sa branch namin.
After two weeks nakakahabol na ko sa sales quota ko.
Nakasalubong ko si Ralph, yung kaklase ko nung college.
Nagaral siya ng grade school abroad kaya hindi siya sanay mag-tagalog.
Natutuwa ako kasi matagal na kong walang makausap ng English.
Parati akong nakikikain sa bahay nila at nakikipag-kwentuhan.
Habang tumatagal, napapansin ko na bumibilis yung pag-iisip ko sa English.
Kaya kung pipili ako kung saan ako tatambay, sa kanila ako dumadalaw.
Maliit lang sahod ko at hindi talaga siya madalas lumabas.
Para maka-tambay kami gumagawa talaga ako ng paraan kahit libre ko lahat.
Napakataas talaga ng tingin ko sa kanya.
Marami akong natututunan.
Marami kaming interesting na napapag-usapan.
Magaling siya makinig at magaling mag-payo.
Ang hindi ko napansin ay nahahasa ang English ko.
2005 ako pumalpak sa call center.
Noong 2011 natangap ako sa IT company na malaki magpasweldo.
2013 lumipat ako sa call center.
Yung interview parang wala lang.
Kinwento ko sa interviewer ang story ng buhay ko at kung anong gusto ko mangyari.
Nag-tanong ang interviewer kung anong ginagawa ko sa free time ko at humingi ng payo tunkol sa diet at exercise.
Medyo mahaba ang napag-usapan namin dun kaya next time ko na kwento yun.
Pagkatapos ng masayang kwentuhan sabi lang niya bumalik ako next week at mag-dala ng requirements.
Start na daw ako ng training sa susuonod na lunes.
Naalala ko yung oras na gusto kong umiyak sa walkway ng Ayala dahil rejected nananaman ako.
Nagpapangap akong may kausap dahil parang sasabog ang dibdib ko sa sakit.
I got rejected again.
Sabi ko sa imaginary na kausap ko sa Nokia 5110 na gamit ko.
The interviewer said I wasn’t a good fit.
Pinipilit kong ngumiti.
I’m going to try again tomorrow.
Help me pracice later.
I need a better answer to the “Why should I hire you?” question.
Tumitingin sakin ang mga tao na kasalubong ko mag-lakad.
Parang mababaliw ako.
Alam ko lang na kapag hindi ko nalabas ang sama ng loob ko sa araw ko na yun baka sumuko na ko kinabukasan.
Hindi lahat ng proseso kaya mo gawin mag-isa.
Ang pag-aaral ng English katulad ng pag-aaral ng kahit anong skill.
Limitado ang mapapala mo sa self-study.
Hangang grade school level lang maiintindihan mo sa sarili mo.
Kung mag-aaral ka na mag-luto mag-isa, masaya ka na kung hindi na nasusunog yung luto mo.
Hindi mo madalas alam kung totoong masarap o hindi ang luto mo.
Ibang level ng skill at confidence yung required kung papatikim mo sa iba o ibebenta mo ang luto mo.
Same din sa fitness o martial arts gaya ng boxing, wrestling or jujitsu.
Hindi mo alam kung maayos yung galaw mo kung mag-isa ka lang na nag-eensayo.
Kailangan mo ng katunggali.
Kailangan mo ng isa pang tao na magsasabi sayo na mali ka.
Kailangan mo ng tao na magtuturo sayo ng tama.
Kung ikaw lang din ang mag-judge sa sarili mo, para kang humihingi ng medal kasi feeling mo mabilis ka tumakbo.
Kadalasan bulag tayo sa mga kahinaan natin.
Kasing dalas lang na bulag din tayo kung saan tayo ng magaling.
Yun ang dahilan kung bakit nagtutulungan at nagtutungali ang mga tao.
Sa running or cycling, ang tawag dito ay marathon or race.
Sa ibat-ibang uri ng fitness, ang tawag dito ay competition.
Sa martial arts, ang tawag dito ay sparring.
Sa culinary, ang tawag din dito ay competition.
Kung wala kang kakilala na magaling mag-English, malabo talaga ang pag-galing sa pag-practice ng English mag-isa.
Sa online games nga gaya ng DoTA, LoL at ML, mababa tingin sayo ng mga pro na player kung hangang AI or single-player lang kaya mo.
Ang minimum required sa isang malaking negosyo ay limang tao na nag-tutulungan.
Madami akong nakakausap na nagsasabi na gusto nila mag-improve ang buhay nila.
Gusto nila yung sahod ng call center agent.
Gusto nila maging magaling mag-English.
Balak nila mag-self study nalang.
Nood nood ng YouTube at basa basa ng blog o lumang libro.
Sapat na ba yun o kulang parin?
Me against the world parin ba ang tema ng buhay mo?
Tinatangap mo na ba ang kapalpakan ng diskarte mo o ipipilit mo parin ang tigas ng mukha mo?
Alam ko may magmamalaki sa comment section na nagawa nila mag-isa ang pag-asenso nila.
Hindi tayo nabuhay kung hindi tayo pinalaki ng magulang natin.
Yung alam natin sa basic language, math, science at knowledge ay napulot natin sa paaralan.
Yung values napulot natin sa simbahan at sa mga impluwensyal na matanda sa buhay natin.
Yung opinyon natin napulot natin sa media at internet.
Doon palang, marami na tayong nakuha sa ibang tao.
Wala na tayong karapatan mag-sabi na mag-isa natin pinag-trabahuhan ang pag-asenso natin.
Lahat halos ng meron tayo ay galing sa ambag ng ibang tao.
Ang naging problema nung tumigil na tayo sa pag-aaral ay na-isolate na tayo dahil bigla nalang tayong walang instructor at kaklase.
Akala tuloy natin mag-isa na tayo at dapat harapin natin ang problema ng mag-isa.
Hindi natin napansin na ang pag-harap sa problema ng mag-isa sa lahat ng pagkakataon ay palpak na diskarte.
Salamat sa pag-tankilik sa aking mga lesson.
May bagong post ulit ako bukas.
Share mo to kung nakakarelate ka.
Tag mo yung tropa mong nagtatapang-tapangan.
Thank you for reading this far and thanks for your attention.
I am praying for your success. God bless!
If you made it this far, you should introduce yourself.
Join our weekend English coaching is on SALE for ₱352 a month.