BOOK ANNOUNCEMENT JANUARY 2021

January 13, 2021 • written by

Maraming nagre-request na mag-sulat ako ng libro.

Gumawa ako nung 2011 kaso ang daming grammar error kaya tinangal ko muna sa website.

Nag-simula ako mag-sulat ng libro nung bakasyon.

Hindi ko alam kung anong topic ang isusulat ko.

Pano ko pinaka-matutulungan ang mga student ko?

Saan ba sila pinaka-nahihirapan?

Ang pinakamadalas na tanong sakin ng students ko ay:

Kevin, pano ko sasagutin yung:

  1. Tell me about yourself.
  2. Why should I hire you?

Wala akong idea.

Wala akong maisip.

Sabi nila.

Kung napanood mo ang mga recorded session namin sa YouTube napaka-haba ng discussion namin.

Napa-isip ako bigla.

Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyon na to.

Noong 2016, umalis ako sa call center at nagtrabaho bilang online freelancer.

Naging assistant ako sa malaking US company at napromote na Project Manager noong 2018.

Pano ko nagawa lahat ng to?

Napaka-swerte ko na may mga nakilala akong tao na tumulong sakin.

Sinunod ko ang payo nila.

Nagbago ang buhay ko.

Sinasagot ko ng diretso tuwing may nagtatanong sa akin kung anong ginawa ko para mag-bago buhay ko.

Kadalasan walang nangyayari sa kanila.

Pagkatapos ng isang taon, magtatanong ako kung anong ginawa nila sa payo na binigay ko.

Hindi ko nagawa.

Sorry.

Naging busy lang ako sa buhay.

Napapaisip tuloy ako kung mahirap ba talaga ang pinapagawa ko.

Wala dapat ako dito ngayon.

Ang high school graduate ay hindi dapat magkaroon ng magandang buhay.

Yun ang sabi ng magulang ko.

Napakahirap kumuha ng magandang trabaho.

Yun din ang sabi ng magulang ng mga kaibigan ko.

Napakahirap kumita ng pera.

Napakahirap ng buhay kung hindi ka nakapag-tapos ng pag-aaral.

Pero anong gagawin mo kung wala?

Anong gagawin mo kung matanda ka na?

Anong gagawin mo kung wala kang pera o oras para ituloy ang pagkuha ng diploma?

Susuko ka nalang ba dun?

Posible ba kaya na may magagawa ka pa?

Baka may opportunities na hindi mo pa nakikita.

Baka konting practice lang pala kulang mo, pasok ka na sa mas-magandang trabaho.

Yun yung tanong ko sa mga successful na tao na nakilala ko.

Hiningi ko ang payo nila.

Sinulat ko lahat.

Tapos nag-trabaho ako para mabago ko ang buhay ko.

Ipapasa ko sayo ang maliit na part ng formula na nabuo ko.

Ito ang pinakamadaling gawin.

Ito din ang may pinakamalaking positibong epekto sa buhay ko.

Sana matutunan mo ito at magawang parte ng buhay mo.

Sana pag umasenso ka na, maalala mo ako.

Tuwang-tuwa kasi ako makabasa ng success story sa messages at comments ko.

Yung ang dahilan kung bakit ginagawa ko lahat ng ito.

Natutuwa din ako makarinig ng kwento ng mga taong katulad ko na hindi sumuko sa problema nila.

Napakahirap ng buhay.

Impossible halos kung ikaw lang mag-isa.

Napakalaking tulong tuwing may mga ibang tao kang kasangga sa problema.

Hindi man tayo makapag-kita ng personal, pinagdarasal ko na sana may naging positibong epekto ang trabaho ko sa buhay mo.

God bless.

-Kevin Olega

Click mo yung link para maka-hingi ng copy ng bago kong libro.

I am praying for your success. God bless!

Thank you for reading this far and thank you for your attention.

If you made it this far, you should introduce yourself.

For more lessons:

GET LIVE COACHING!

DONATE and support my work.

Watch FREE Video Lessons.

>CLICK HERE TO GET FREE EMAIL LESSONS!!!<

If I can do it, you can do it too.